Nabanggit natin na ang mga lugar na malalim ay mga lubugan nga mga platong pantektoniko, o "Trench/es". Ang Pilipinas ay mayroong ilang mga lubugan (o Trenches o kaya Subduction Zones) , nabibilang dito ang Manila Trench, Philippine Trench, Negros Trench, Cotabato at Trench. Ang mga ito ay kung saan ang isang mas "dense" ay lumulubog sa isa pa. Ang sitwasyon na ito ay naghuhudyat sa pagkakaroon ng mga lindol, at pagsibol ng mga bulkan. Kung inyong mapapansin, ang mga lindol sa kanlurang Luzon ay naka-linya o naka-halang na pa Hilaga-Timog, mula sa Mindoro patungo sa malapit sa Ilocos at tuluy-tuloy pa-Taiwan. Ito ay dahilan sa pagkakalapat ng dalawang plato pantektoniko, sa kanilang tuluyang pag-usad at pagkakadikit sa isa't isa, na pinagmumulan ng mga lindol, sa tinatawag nating harap ng lumulubog na plato o "slab". Ang rehiyon na ito ay tinatawag na Wadati-Benioff Zone (WBZ). Ang pangunahing mga lubugan sa Pilipinas ay dalawa na magkaha