Bakit masyadong malalaki ang mga bulkan sa ibang Planeta?
Ang mga bulkan na natatagpuan sa planetang Mars at Venus at sa buwan ng Jupiter na Io ay lubhang malalaki kumpara sa mga bulkan ng ating mundo. Bakit? Ang edipisyo o “flanks” ng mga bulkan ay gawa sa patuloy na pag-anod ng mga lava o tunaw na bato, mga abo mula sa pagputok nag bulkan, at iba pang mga bato na nanggagaling sa ilalim na lalagyan ng magma. Dahil sa patuloy na pagputok ng bulkan, ang mga edipisyo ay patuloy na lumalaki, dahil sa pagpatung-patong ng mga batong nabanggit…
Larawan: Tagiliran ng
mga bulkan at mga bundok: Pinakamataas: Olympus Mons (22 km ang taas), Mars;
Mt. Everest sa Mundo (ilalim,
kanan); Maxwell Mons, Venus (ilalim, sa kaliwa).
(Mula kay Mark Garlick)
Ang mga planeta ay karaniwang mas maliit ang gravity sa
mundo, kaya’t ang mga bato sa tagiliran
ng bulkan ay mas kayang tumaas---mas kayang labanan ng friction ang pahatak na
gravity sa proseso ng pagtarik nito.
Ganun din, ang kawalan ng paggalaw
ng mga plato tektoniko sa ibang planeta na pinaniniwalaan ngayon ng maraming
mga siyentipiko, ay nakatutulong sa
paglaki ng bulkan. Isang bagay din ang
nipis o laya’y kawalan ng atmosphere, at
mga hanging mabibilis na nakatutulong sa
erosyon ng mga edipisyo ng mga bulkan.
Ang mga bulkan (tinatawag na mga Patera) naman na matatagpuan sa Io ay ang mga pinaka aktibo sa pagputok sa buong Solar System----bagamat ang mga ito’y hindi gaanong matatarik, ang dami ng lava na kanilang isinasabog ay lubhang malaki, at lubhang mainit. Ang mga bulkan sa planetang Venus, Mars, at buwang Io ay tinatawag na mga Shield volcanoes, tulad ng mga panangga, na mga banayad ang tarik, at lubhang malalapad. Ito’y dahilan ng mga batong malalabnaw na tinatawag na Basalt, tulad ng mga natatagpuan sa Hawaii .
Larawan: Mga aktibong bulkan sa Io. Pele sa gitna. Nakikita ang ulap-pagsabog mula sa itaas. (Mula sa Voyager spacecraft, NASA/JPL/USGS).
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento