Mga Lindol at mga Bulkan sa Pilipinas: Ano ang kanilang Pinagmumulan at Relasyon?
Nabanggit natin na ang mga lugar na malalim ay mga lubugan nga mga platong pantektoniko, o "Trench/es". Ang Pilipinas ay mayroong ilang mga lubugan (o Trenches o kaya Subduction Zones) , nabibilang dito ang Manila Trench, Philippine Trench, Negros Trench, Cotabato at Trench. Ang mga ito ay kung saan ang isang mas "dense" ay lumulubog sa isa pa. Ang sitwasyon na ito ay naghuhudyat sa pagkakaroon ng mga lindol, at pagsibol ng mga bulkan. Kung inyong mapapansin, ang mga lindol sa kanlurang Luzon ay naka-linya o naka-halang na pa Hilaga-Timog, mula sa Mindoro patungo sa malapit sa Ilocos at tuluy-tuloy pa-Taiwan. Ito ay dahilan sa pagkakalapat ng dalawang plato pantektoniko, sa kanilang tuluyang pag-usad at pagkakadikit sa isa't isa, na pinagmumulan ng mga lindol, sa tinatawag nating harap ng lumulubog na plato o "slab". Ang rehiyon na ito ay tinatawag na Wadati-Benioff Zone (WBZ). Ang pangunahing mga lubugan sa Pilipinas ay dalawa na magkaharap, ang Manila Trench at Philippine Trench. Sa ilalim naman ng Mindanao, malapit sa Celebes, mayroon namang dalawang magkatalikuran na mga lubugan doon na pinagmumulan din ng mga lindol at ng bulkanismo. Ang mga WBZ ay umaabot sa 40 kilometro, o mahigit pa, depende sa lalim ng plato. Sa ibang lugar, ito ay may 100 kilometro.
Larawan: Mga sentro ng lindol sa Pilipinas. Luntian: Mababaw (< 30 km), Dilaw at Magenta = malalim (>30 km); Pulang tatsulok: mga bulkan. Maraming salamat sa Jules Verne Voyager, UNAVCO.
Napag-aralan din na ang mga bulkan sa Pilipinas ay nakahanay sa mga lubugan, at nakahiwalay sa isa't isa ngang halos pare-parehong distansya. Halimbawa, sa Manila Trench nakahanay ang mga bulkan pa Hilaga-Timog, tulad ng Mt. Natib, Mt. Pinatubo, atbp. Ang mga bulkang ito ay nagmumula pa sa mga bato na natutunaw sa paglubog ng plato tektoniko na tinatawag na Sundaland. Ang mga tunaw na bato na umaangat ay medyo malapot (mas malapot sa mga Basaltic na bato tulad ng matatagpuan sa Hawaii), at tinatawag na mga Andesites. Ang magma o mga mga batong Andesites ay madalas matatagpuan sa mga Island Arc, ganun din sa mga harapan ng mga kontinente kung saan may lubugan o subduction. Dahil sa kalaputan ng mga lava o magma na ito, ang mga bulkang Andesitic ay kadalasang malakas sumabog, dahil sa hirap makaalpas ang mga bato at mga hangin na nakapaloob sa bato (o "volatiles"). Ang mga bukan tulad ng Mayon, Mt. St. Helens, Mt. Fuji ay nabibilang sa mga bulkang nagbubuga kadalasan ng malapot na lavang Andesitic.
Larawan: Paliwanag sa sitwasyon ng lubugan. Tasa Graphics, 1984.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento