Impact Craters



Ano ang mangyayari kapag ang isang meteor (bulalakaw) ay tumama sa lupa?

Ang mga bulalakaw ay maaring galing sa mga asteroid --- na gawa sa mga bato, metal (Nickel-Iron), at iba pang mga elemento na nagmula pa sa mga sangkap sa pagbuo ng Solar System. Mayroon ding iba’t-ibang laki ng mga sangkap na ito, mula sa kasin liit ng mga alikabok (dust particles), hanggang sa laki na halos pamplanetarya, tulad ng mga asteroid na Ceres (diametro at 950 km) at Vesta (525 km ang diametro). Bagamat ang karamihan sa mga asteroid ay nasa pagitan ng orbit ng Mars at Jupiter, mayroong ilan sa mga ito ay tumatawid sa orbit ng Mundo (ex. Near-Earth Objects o NEAs), at ang ilan dito ay nahihigop ng grabitasyon ng mundo at bumabagsak sa lupa bilang meteorite o bulalakaw.
 



Larawan. Mga orbit ng mga asteroid. Makikita na ang marami ay tumatawid sa orbit ng daigdig. Mula sa Solar System Dynamics Group, NASA JPL.

Ang maliliit na mga bulalakaw ay kadalasang nasusunog at sumasabog sa itaas ng lupa, at ito’y nagdudulot ng air blast, tulad ng nangyari sa Russia kamakailan, ganoon din sa Sudan, Hilagang Africa ilang taon na ang nakalilipas.

Subalit ano ang mangyayari kapag ang malaking bulalakaw ay tumama sa lupa? Ito’y lilikha ng isang malaking butas o impact crater, na bilugan ang hugis, at may lalim at lapad o diametro ito depende sa laki ng bulalakaw, angulo nito, komposisyon ng bulalakaw at batuhan, at bilis ng pagtama sa lupa (o batuhan).
Larawan. Linne Crater, sa buwan. Isang halimbawa ng simpleng crater. Kuha mula sa LRO spacecraft, NASA.
Ang pagtama sa lupa ay nagdudulot ng pagkagulo ng ibabaw na mga batuhan, pagkakaroon ng shock waves, at pagkakabiyak-biyak ng mga batuhan. Magkakaroon din ng “ejecta” o mga batong napulbos at sumasabog sa paligid, at maaaring umabot sa layo ng ilang daang kilometro.
 
Larawan. Pagkagawa ng simpleng Impact Crater. Mula kay Dr. David Kring, LPI and NASA Univ. of Arizona Space Imagery Center, 2006; Beavan French (1998), Traces of Catastrophe; Grieve, R., Scientific American, v. 262, pp. 66–73.
Ang shockwaves ay nagdudulot ng paglindol, at ito’y dumadaan sa ibabaw at itaas ng mga bato. Samanta, ang mga batuhan sa malapit sa giitnang bahagi ng crater ay natutunaw sa lakas ng pagbangga ng bulalakaw. Ang mga batuhan sa paligid ng crater ay nagkakaroon ng pagkadurog, at pagtaob sa ibabaw ng isa’t-isa. Ang mga bato sa paligid ay nagkakaroon ng “shock cones” dahil sa pagkatunaw at pgkabuo nito uli, at nagiging ibang uri ng bato, na tinatawag na impactites . Ang gitna ng crater ay maari ring umalsa at maging mataas kumpara sa paligid ng sahig ng crater, at ang mga paligi naman ay maaring magkaroon ng hinagdanang batuhan o terraces na pinaghihiwalay ng mga biyak.
 
Kapag malaki masyado ang bulalakaw, ito ay maaring magdulot ng pagkamatay ng maraming nilalang, at maghudyat sa tinatawag na extinction (o paghigpit ng ebolusyon/evolution bottleneck). Ang isang halimbawa nito ay ang nangyari sa mga Dinosaurs noon, nang tumama ang isang halos 10 km diametrong asteroid sa Yucatan,Mexicona nagdulot sa paglikha ng Chicxulub Crater (Alvarez et al., 1979; Frankel, 1999; Kring, 2005).


Mga babasahin:
  • Alvarez, W.; L.W. Alvarez, F. Asaro, and H.V. Michel (1979). "Anomalous iridium levels at the Cretaceous/Tertiary boundary at Gubbio, Italy: Negative results of tests for a supernova origin". In Christensen, W.K., and Birkelund, T.. Cretaceous/Tertiary Boundary Events Symposium. 2. University of Copenhagen.
  • Frankel, Charles (1999). The End of the Dinosaurs: Chicxulub Crater and Mass Extinctions. Cambridge UniversityPress. pp. 236. ISBN 0-521-47447-7.
  • French B. M. (1998) Traces of Catastrophe: A Handbook of Shock-Metamorphic Effects in Terrestrial Meteorite Impact Structures. LPI Contribution No. 954, Lunar and Planetary Institute, Houston. 120 pp.
  • Kring, D. A. (2005). Hypervelocity collisions into continental crust composed of sediments and an underlying crystalline basement: comparing the Ries ( 24km) and Chicxulub (180km) impact craters. Chemie der Erde-Geochemistry, 65(1), 1-46.

 



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Abril sa Diliman: Bakit Sobrang Init Palagi?

Pitong Araw sa Isang Linggo, Saan ba Talaga ito Nagmula?