Ang Napakalamig na Daigdig ng Titan, at ang Lawa ng Lanao



Ang pinakamalaking buwan ng planetang Saturn, Titan, ay lubhang kakaiba: mayroon itong hangin o  atmosphere na halos tulad ng komposisyon ng sa ating Mundo (Nitrogen karamihan). Ang laki ng Titan lubhang mas malaki sa ating sariling buwan at sa planetang Mercury,  subalit mas maliit sa sa planetang Mars.



Larawan: Kaliwa: Titan,  kumapara sa ating mundo,  at sa ating buwan. Kanan: Infrared at visible na larawan ng Titan: ang kaulapan/hangin o atmosphere ay bughaw at makapal Ang mga lawa at kabundukan ay maaaninag sa ilalim nito. (Mula kay C. Witte,  at NASA Planetary Photojournal)

Sa kasalukuyan, ang Titan ay tinitingnan nang pabalik-balik na Cassini spacecraft---ang pangunahing instrumento sa pagmamapa nito ay ang radar, na tanging gamit na may ganap na signal na tumatagos sa makapal na kaulapan nito. 


Larawan:  Ang mapa ng lupain sa Titan, base sa sukat ng Cassini Spacecraft (mula sa NASA Planetary Photojournal)

Ang lupain sa ibabaw ng Titan ay kinalalagyan ng mga dagat (Mare o  Maria) at mga lawa tulad ng matatapgpuan sa ating mundo,  ganun na rin ang mga ilog at mga daluyan ng likido----subalit ang dumadaloy dito ay likidong hydrocarbon (tulad ng methane at ethane) at hindi tubig.  Lubhang napakalamig ng ibabaw ng Titan upang ang tubig ay manatiling likido (temperatura ay umaabot sa halos – 180 °C.


Larawan: Mga lawa, ilog, at lupain sa ibabaw (Kaliwa); Sa kanan: mga batuhan na bilugan,  nangangahulugangmay likido na dumadaloy (o dumaloy nung nakaraan) sa ibabaw nito, tulad ng mga batuhan sa tabi at ilalim ng mga ilog sa mundo (kuha ng Huygens spacecraft, NASA Plantary Photojournal).


Makikita rin sa ibabaw  ng Titan ang mga matataas na bundok (ang ilan dito ay pinaniniwalaang mga bulkan) at dunes na tulad sa mga disyerto sa Mundo.   Ganun din ang ilang mga kakaibang bulkan na tinatawag na cryovolcanoes.




Larawan: Ang mapa ng mga kabundukan sa Titan, ang mga gray na rehiyon ay mula sa radar (larawan mula sa NASA Planetary Photojournal)
Ang lawa ng Lanao aty matatagpuan rin na nasa ibabaw ng Titan! Isa sa mga maraming lawa sa ibabaw ng Titan ay ipinangalan sa lawa ng Lanao (sa Mindanao, Pilipinas),  alinsunod  sa sistema sa pagpapangalan ng mga lawa sa iba’t-ibang lawa na matatagpuan dito. Ang mga lawa ay karaniwang naglalalim ng 5 hanggang 10 metro, base sa mga unang sukat mula sa altimetro.

Larawan:  Mga lawa sa ibabaw ng Titan (mula sa NASA Planetary Photojournal).


Mga babasahin:

  • Lopes, R.M.C., et al. (2013) Cryovolcanism on Titan: New results from Cassini RADAR and VIMS. Journal of Geophys. Research (Planets), vol. 118, 1-20, doi:10.1002/jgre.20062.
  • Radebaugh, J., et al., (2008). Dunes on Titan observed by Cassini Radar. Icarus, 194(2), 690-703.
  • Radebaugh, J., et al., (2007) Mountains on Titan observed by Cassini Radar. Icarus, 192(1), 77-91.
  • Stofan, E.R., et al, (2007). The lakes of Titan. Nature, 445(7123), 61-64.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bakit masyadong malalaki ang mga bulkan sa ibang Planeta?

Pitong Araw sa Isang Linggo, Saan ba Talaga ito Nagmula?

Impact Craters