Kinalalagyan ng Pilipinas na Pantektoniko
Bakit agham sa wikang Tagalog? Kapag hindi ginamit ang sariling wika, ito ay mabubulok at di lalaon, ikamamatay ng isang kultura... at ito'y pinakamadaling daan sa pagpapaliwanag ng mga kaisipan at pakikibahagi ng kaalaman sa ating mga kababayan.
Sa ikalawang maikling yugto ng mga usapin, talakayin natin ang pagkakagawa ng Pilipinas...
Ang Pilipinas ay nasa lugar na tinatawag sa heolohiya na "Mobile Belt" na mas tamang tawagin na "Plate boundary zone" o PBZ. Ang isang PBZ ay malapad na lugar tektoniko sa pagitan ng dalawang nagbabangaan na plato tektoniko. Ang rehiyon ng PBZ ay binubuo ng mga maliliit na bloke na tektoniko, na pinaghihiwalay ng mga biyak o faults. Ang mga bloke na ito ay mas maliit na malayo kumpara sa mga normal na plato tektoniko (tulad ng Pacific Plate, North American Plate, Eurasian Plate), subalit mas magalaw.
Ang rehiyon na PBZ ay lugar na malindol, at ang iba ay kinabibilangan ng mga Island Arc, mga lupain na kung saan sumisibol ang mga bulkan. Dahil dito, ang mga PBZ ay mas mainit kaysa sa mga looban ng kontinente, at mas maninipis ang tinatawag na lithosphere o balat ng lupa (crust at itaas na mantel).
Ang isla ng Luzon, halimbawa, ay maituturing na binubuo ng ilang maliliit na bloke pantektoniko, at dinadaanan ng mga biyak (tulad ng Philippine Fault Zone) at mga subduction zone o lugar kung saan lumulubog ang isang plato sa ilalim ng isa pa. Sa kaso ng Luzon, dalawang malalaking lubugan ang makikita: Ang Manila Trench at ang Philippine Trench, dalawang mahahabang rehiyon na malalim, at pinanangyarihan ng maraming mga lindol.
Larawan: Ang pantektonikong porma ng Luzon, binubuo ng mga maliliit bloke, tulad ng mga pinggan o pasong biyak-biyak. (Gawa ni Altair Regienne Galgana).

Kinalalagyan ng Pilipinas na Pantektoniko.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento