Bakit Planetang Tagalog?  Mga kuru-kuro, kaisipan, at usapin tungkol sa agham pamplanetarya at pandaigdig...sa wikang Tagalog.

Tinatalakay ng blog na ito ang iba't-ibang pagbabago at mga pangunahing balita tungkol sa pagusad ng agham sa pagaaral ng daigdig at ng kalawakan. Agham na heologo pantektoniko, heopisika, agham pamplanetarya, atbp.

Ang makabagong paggamit ng GPS o Global Positioning System (ngayo'y tinatawag na GNSS o Global Navigation Satellite System), sa pagsukat ng bilis ng galaw ng lupa na nagsasabi kung gaano nakadikit o gumagalaw ang isang fault o biyak sa lupa, at kung papaano umuusad ang mga platong pantektoniko. Ang pag-usad sa mga biyak na ito ang nagbibigay ng indikasyon kung gaano kalakas ang magiging lindol.

Ginagamit din ang teknolohiyang ito sa pagaaral ng paggalaw at pag-angat ng magma o tunaw na batong pambulkan mula sa ilalim,  ilang kilometro mula sa itaas ng lupa. Ang galaw ng lupa sa itaas ng magma chamber ay nagsasabi kung gaano karami ang pumapasok o lumalabas na magma, nagbibigay indikasyon kung posibleng sumabog ang bulkan o hindi.


Larawan:  Isang ayos ng istasyon ng GPS, mula sa Illinois. Pagsusukat ng galaw ng lupa sa gitnang Estados Unidos, ukol sa Wabash Valley noong 2007.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Impact Craters

Abril sa Diliman: Bakit Sobrang Init Palagi?

Pitong Araw sa Isang Linggo, Saan ba Talaga ito Nagmula?