Perlas na bilog, saan mangyayari ang malakas na lindol?

Sa kasalukuyang panahon, maari nang malaman ang lokasyon ng pagmumulan ng posibleng lindol, at ito'y sa pamamagitan ng GPS at block models. Ang mga GPS ay nagbibigay ng direksyon at bilis ng galaw ng mga blokeng tektoniko, ganun na rin ang sitwasyon ng pagkabara ng mga fault at lapatan ng mga subduction zones. Habang gumagalaw ang mga blokeng tektoniko, ang mga lugar na nakabara ay siyang pumipigil sa paggalaw ng mga ito, at doon naiiipon ang elastikong lakas (o potensyal ng depormasyon o tinatawag na naipong elastikong strain----lakas na tulad ng nababanat na goma ng tirador, halimbawa, ay maaring bumigay at umigkas. Ang pag-igkas na ito ay ang pagmumulan ng lindol).

Sa paggamit ng block models, maaring gamitan ng “inversion”, isang matematikal na paraan para malaman ang kinalalagyan ng mga lugar sa mga fault o sa mga subduction zones na nakabara[1]. Kapag ang lokasyon ng mga ito'y nalaman, dapat na ibawas ang pagdulas ng fault mula sa mga naganap na lindol sa lugar (indikasyon ng pakawala ng mga elastikong strain) upang magkaroon ng ideya kung alin ang mga lugar na nakabara ang pinakaposibleng bumigay dahil sa sobrang laki ng pagkaipon ng elastikong strain. Isa sa mga tagumpay na maipapakita ng ganitong pamamaraan ay sa Chile Trench, dalawang beses: noong April 1, 2014 Mw 8.2 sa Iquique sa may hilagang Chile Trench at ganun din noong may lindol na Mw 8.3 sa Illapel (Sept. 16, 2015), sa timog ng Chile Trench[2]. Sa dalawang pagkakataon na ito, ang lugar na nakabara at may pinakamalakas na posibilidad na pagmulan ng lindol ay matagumpay na natukoy.

[1] Galgana G., et al. (2014). Assessing the Seismic Potential of South America with Crustal Deformation Models and Historic Earthquakes. In the Earth Sciences Research Journal Vol. 18 (Special Issue) Abstracts, Proceedings of the Latin American and Caribbean Seismological Commission, International Association of Seismology and Physics of the Earth's Interior (LACSC-IASPEI), July 23-25, 2014, Bogota,Colombia.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Impact Craters

Abril sa Diliman: Bakit Sobrang Init Palagi?

Pitong Araw sa Isang Linggo, Saan ba Talaga ito Nagmula?