Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2015

Ang Pilipinas at Planetang Pluto

Imahe
Larawan: Ang Pilipinas kumpara sa Planetang Pluto. Halos kasing lapad ng Philippine Sea Plate ang lapad ng Pluto; lubhang malaki ang Pluto kaysa sa Pilipinas! ( Pagmamay-ari ng orihinal na imahe:  Google Earth/USGS/NOAA/SIO/USN/GEBCO/NGA/Landsat; NASA/JHUAPL/SWRI/New Horizons; Composite: G. Galgana ).

Triton: Kakambal ng Pluto?

Imahe
Sa ngayon, maaaninag na natin ang hugis ng ibabaw ng Pluto. Ang imahe sa ibaba ay nagpapakita ng mga heolohikal na pangitain, subalit medyo malayo pa para sabihin kung ano ang mga ito. Ayon kay Dr. Paul Schenk, isang kasamahan sa Lunar and Planetary Institute (at dating kong katapat-opisina) na espesyalista sa mga tinatawag na icy planetoids o mga malalamig at nagyeyelong mga buwan at mga pandak na planeta----ang Pluto ay maaaring kakambal o katulad ng Triton sa pagkakagawa nito.  Ang Triton ay ang pinakamalaking buwan ng Neptune na binista ng Voyager 2 spacecraft noong 1989. Malamig, maraming yelo na humalo sa mga bato sa ibabaw, at maaaring may mga bulkan sa ilalim ng nagyeyelong ibabaw nito (tinatawag na “icy” volcanism o “cryovolcanoes---ang ibinubuga ay mga naghalong tubig, methane, ammonia sa halip na mga purong lava at batong piroklastiko/pyroclastics), at mga “geysers”.  Ang hangin o atmosphere sa Triton ay lubhang napakanipis at hindi maaring hingahin (gaw

Pulu-Pulutong na mga Yugto mula sa Pluto

Imahe
Dumarating tayo sa isang pinakahihintay at pinakamakabuluhang yugto sa pananaliksik sa agham pamplanetarya: ang pagbisita ng sangkatauhan sa pamamagitan ng spacecraft na New Horizons sa planetang Pluto. Sa ika-14 ng Hulyo, 2015 makikita na natin ang itsura ng ibabaw ng planetang Pluto matapos ang matagal na paghihintay... Sa ngayon, ano ang alam natin sa tungkol sa planetang Pluto ? Ang Pluto ay nakita na una ni Clyde Tombaugh matapos ang masusing pagmamasid mula sa Lowell Observatory sa Flagstaff, Arizona nuong 1930. Ito'y kinilala bilang pang-siyam na planeta, ang pinakamalayo, sapagkat ito'y 4.4 hanggang 7.3 bilyong kilometro mula sa araw; simula noon nanatili itong isang planeta hanggang pinangalanan ito na isang maliit o pandak na planeta (dwarf planet), isang bagong uri ng mga planeta na kinabibilangan din ng mga malalaki at bilugang asteroid tulad ng Ceres, Vesta at iba pang mga Kuiper Belt Objects (KBO). Ang nalalaman natin sa Pluto ay ang tungkol sa

Lindol sa (Marikina) West Valley Fault, Totoo ba o Guni-guni?

Ito ay kasagutan sa maraming tanong na dumarating sa akin bilang isang seismologo at heopisiko. Noong ika 12 ng Enero, 2010, niyanig ng isang malakas na lindol, magnitude 7, ang bansang Haiti. Ito ay nagresulta sa pagkamatay ng hanggang sa 316,000 nasawi (ayon sa pamahalaan ng Haiti), mahigit sa isang milyong tao ang naapektuhan, at mga libu-libong gusali na gumuho at nasira ng nasabing lindol (USGS). May mga bagay na pagkakatulad at pagkakaiba ang sitwasyon sa Haiti noong 2010 at ang sitwasyon sa (Marikina) West Valley Fault (o WVF). Magkatulad sila dahil ang Haiti ay naapektuhan ng paggalaw ng Enriquillo-Plantain Fault, isang “left-lateral strike-slip fault”, na kung saan ang dalawang platong tektoniko ay patagilid na pakaliwang nagsasagian sa bilis na 7 mm kada taon). Halos 250 taon din na nagkarga ng enerhiyang elastiko ang Enriquillo Fault hanggang sa bumigay ito (matapos na hindi makayanan ng mga bato ang naipong lakas mula sa pag-usad ng mga platong tektonik