Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2018

Pitong Araw sa Isang Linggo, Saan ba Talaga ito Nagmula?

Imahe
Isa sa pinakamalaking katanungan sa lahat ay ang konsepto ng pitong araw sa isang linggo. Saan ba talaga ito nagmula? Totoo bang ang pagkalikha ng daigdig ay sa loob lamang ng pitong araw? Bagamat hindi sakop ng blog na ito ang usaping pangrelihyon, aking tatalakayin ang isa sa mga makabuluhang paliwanag mula sa agham ng astronomiya. Ang agham ng astronomiya ay siyang pangunahing paraan upang itala ang mga haba ng araw, ng buwan, ng taon, at mga panahon. Dahil sa astronomiya, ang sangkatauhan ay natutong itala ng tama ang panahon ng pagtatanim, pag-ani, panahon ng taglamig, tag-init, tagsibol, taglagas, ganoon na rin  ang tag-ulan. Ang pitong araw ay nagmula sa pag-ikot  ni Luna (pangalan ng Buwan na ating gagamitin para hindi nakakalito sa buwan na ibig sabihin ay panahon!) sa Mundo.  Ang isang sidereal na buwan (base sa pagharap ni Luna sa malalayong bituin) ay mayroong 27.3 na araw ang haba, samantalang ang synodic na buwan (base sa phase ni Luna)ay mayroong 29.5 na araw ang

Abril sa Diliman: Bakit Sobrang Init Palagi?

Imahe
Bakit ba kapag buwan ng Abril ay sobrang init ng panahon lagi sa Diliman----at ganun din sa ibang bahagi ng Maynila? Bagama't ang pinaka kilalang dahilan ay ang daloy ng hangin sa rehiyon o klima, ang isa pang dahilan ay astronomikal: Ito ay tinatawag na “insolation” o insolasyon, isang prosesong pang-init na pisikal o t h ermal na kung saan ang init ng araw na direktang nakatutok sa Maynila (perpendikular) sa panahon ng Abril---na siyang nagdudulot ng madaling pag-init ng lupa. Ang insolasyon ay lubhang kakaiba sa konsepto ng "Insulation". Larawan 1A:  Ang direksyon ng sikat ng araw sa rehiyong tropikal kapag Hunyo (Summer Solstice) ay bahagyang tagilid. Simulasyon mula sa Seasons Explorer ng University of Nebraska-Lincoln.   Larawan 1B:   Ang direksyon naman ng sikat ng araw sa rehiyong tropikal kapag Abril ay lubhang direkta at perpendikular sa lupa. Nagdudulot ito ng matinding pag-init ng lupa.   Larawan 1C:  Kung ihahambing sa dalawa,