Sa ngayon, maaaninag na natin ang hugis ng ibabaw ng Pluto. Ang imahe sa ibaba ay nagpapakita ng mga heolohikal na pangitain, subalit medyo malayo pa para sabihin kung ano ang mga ito. Ayon kay Dr. Paul Schenk, isang kasamahan sa Lunar and Planetary Institute (at dating kong katapat-opisina) na espesyalista sa mga tinatawag na icy planetoids o mga malalamig at nagyeyelong mga buwan at mga pandak na planeta----ang Pluto ay maaaring kakambal o katulad ng Triton sa pagkakagawa nito. Ang Triton ay ang pinakamalaking buwan ng Neptune na binista ng Voyager 2 spacecraft noong 1989. Malamig, maraming yelo na humalo sa mga bato sa ibabaw, at maaaring may mga bulkan sa ilalim ng nagyeyelong ibabaw nito (tinatawag na “icy” volcanism o “cryovolcanoes---ang ibinubuga ay mga naghalong tubig, methane, ammonia sa halip na mga purong lava at batong piroklastiko/pyroclastics), at mga “geysers”. Ang hangin o atmosphere sa Triton ay lubhang napakanipis at hindi maaring hingahin (gaw