Ang Kaldera ng Olympus Mons
Ano ba ang kaldera ng isang bulkan? Ang Kaldera ng bulkan ay isang pormang heolohikal na halos bilog ang hugis at karaniwang natatagpuan sa tuktok o edipisyo ng bulkan. Ito ay nabubuo dahil sa pagkaubos ng magma sa ilalim ng lupa, dahil sa pagsabog ng bulkan, o kaya’y dahil sa pagdaloy nito palayo sa lalagyan ng magma (magma chamber). Ang paligid ng mga kaldera ay karaniwang may mga biyak (o faults). Ang mga biyak na ito ay nagpapatunay na may paggalaw ang bahagi na ito (karaniwang bumababa ang sahig ng kaldera kumpara sa mga paligid nito). Halimbawa, isang grupo ng mga kaldera ay matatagpuan sa tuktok ng Olympus Mons (Mars), ang pinakamalaking bulkan sa Solar System. Ang mga kaldera na ito ay nagpatung-patong, dahil sa patuloy na pagbaba ng sahig ng kaldera (dahil sa sunud-sunod pagkaubos ng magma sa ilalim nito----dahil sa pagsabog ng bulkan, o kaya ay pag-anod ng magma sa ilalim patungo sa ibang lugar). Ang Olympus Mons ay may taas na 22 km at may lapad