Bakit masyadong malalaki ang mga bulkan sa ibang Planeta?
Ang mga bulkan na natatagpuan sa planetang Mars at Venus at sa buwan ng Jupiter na Io ay lubhang malalaki kumpara sa mga bulkan ng ating mundo. Bakit? Ang edipisyo o “flanks” ng mga bulkan ay gawa sa patuloy na pag-anod ng mga lava o tunaw na bato, mga abo mula sa pagputok nag bulkan, at iba pang mga bato na nanggagaling sa ilalim na lalagyan ng magma. Dahil sa patuloy na pagputok ng bulkan, ang mga edipisyo ay patuloy na lumalaki, dahil sa pagpatung-patong ng mga batong nabanggit… Larawan: Tagiliran ng mga bulkan at mga bundok: Pinakamataas: Olympus Mons (22 km ang taas), Mars; Mt. Everest sa Mundo (ilalim, kanan); Maxwell Mons, Venus (ilalim, sa kaliwa). (Mula kay Mark Garlick) Ang mga planeta ay karaniwang mas maliit ang gravity sa mundo, kaya’t ang mga bato sa tagiliran ng bulkan ay mas kayang tumaas---mas kayang labanan ng friction ang pahatak na gravity sa proseso ng pagtarik nito. Ganun din, ang kawalan ng paggalaw ng mga plato t