Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2012

Kinalalagyan ng Pilipinas na Pantektoniko

Imahe
Bakit agham sa wikang Tagalog? Kapag hindi ginamit ang sariling wika, ito ay mabubulok at di lalaon, ikamamatay ng isang kultura... at ito'y pinakamadaling daan sa pagpapaliwanag ng mga kaisipan at pakikibahagi ng kaalaman sa ating mga kababayan. Sa ikalawang maikling yugto ng mga usapin, talakayin natin ang pagkakagawa ng Pilipinas... Kinalalagyan ng Pilipinas na Pantektoniko. Ang Pilipinas ay nasa lugar na tinatawag sa heolohiya na "Mobile Belt" na mas tamang tawagin na "Plate boundary zone" o PBZ. Ang isang PBZ ay malapad na lugar tektoniko sa pagitan ng dalawang nagbabangaan na plato tektoniko. Ang rehiyon ng PBZ ay binubuo ng mga maliliit na bloke na tektoniko, na pinaghihiwalay ng mga biyak o faults. Ang mga bloke na ito ay mas maliit na malayo kumpara sa mga normal na plato tektoniko (tulad ng Pacific Plate, North American Plate, Eurasian Plate), subalit mas magalaw. Ang rehiyon na PBZ ay lugar na malindol, at ang iba ay kinabibil
Imahe
Bakit Planetang Tagalog?  Mga kuru-kuro, kaisipan, at usapin tungkol sa agham pamplanetarya at pandaigdig...sa wikang Tagalog. Tinatalakay ng blog na ito ang iba't-ibang pagbabago at mga pangunahing balita tungkol sa pagusad ng agham sa pagaaral ng daigdig at ng kalawakan. Agham na heologo pantektoniko, heopisika, agham pamplanetarya, atbp. Ang makabagong paggamit ng GPS o Global Positioning System (ngayo'y tinatawag na GNSS o Global Navigation Satellite System), sa pagsukat ng bilis ng galaw ng lupa na nagsasabi kung gaano nakadikit o gumagalaw ang isang fault o biyak sa lupa, at kung papaano umuusad ang mga platong pantektoniko. Ang pag-usad sa mga biyak na ito ang nagbibigay ng indikasyon kung gaano kalakas ang magiging lindol. Ginagamit din ang teknolohiyang ito sa pagaaral ng paggalaw at pag-angat ng magma o tunaw na batong pambulkan mula sa ilalim,  ilang kilometro mula sa itaas ng lupa. Ang galaw ng lupa sa itaas ng magma chamber ay nagsasabi kung gaano karami ang