Mga Post

Buhay ang mga Bulkan! Makabagong Agham mula sa Planetang Venus

  Ang kasalukuyang tinatanggap na kaalaman tungkol sa planetang Venus ay walang mga aktibong bulkan ang kasalukuyang nasa ibabaw nito---at malamang ilang milyon na mga taon na ang lumipas simula nung sumabog ang karamihan sa mga libo-libong bulkan sa ibabaw nito (Binschadler et al. 1995). Tinatanggap ng maraming siyentipiko noon na ang ibabaw ng planetang Venus ay patay at walang paggalaw pangkasalukuyan, kakaiba sa ating daigdig. Ang paniniwala na iyan ay maaaring tuluyang magbago ng lubusan sa mga susunod na buwan. Maraming uri ng mga bulkanikong hugis ang makikitang nasa ibabaw ng planeta: may mga malalaking mga bulkan na mayroong lapad na sinlaki halos ng buong isla ng Luzon! Mahigit sa isang daan sa mga ito ang natukoy at naimapa na; mayroong din mas maliliit na bulkan at mga kakaibang uri ng sentro o hugis bulkaniko tulad ng mga “pancake” domes, coronae, arachnoids (Larawan 1), radiating dikes (tulad ng mga Nova o Astra)---marami dito ay kinalalagyan ng mga duma