Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2025

Malalakas na Lindol sa Cebu at sa Davao: Mga Kaisipan at mga Posibleng Dahilan

Imahe
  Malalakas na Lindol sa Cebu at sa Davao: Mga Kaisipan at mga Posibleng Dahilan -Dr. Gerald Galgana Makailan lamang nitong katapusan ng Setyembre at Simula ng Oktubre 2025 ay nakaranas ng malalakas na lindol ang Cebu (Moment Magnitude or Mw 6.9) at Davao (Mw 7.4). Bakit nangyari ang mga ito, ano ang pinaka dahilan at ano ang koneksyon ng dalawang malalakas na lindol (at iba pa). Ang artikulong ito ay tatalakayin at tatangkaing lilinawin ang mahalagang usapin na ito. Una, ang lindol sa Davao [Larawan 1] ay dulot ng convergence (o pagsasama o pagdidikit), ng Philippine Sea Plate at ng Pilipinas (o tinatawag na Philippine Plate Boundary Zone or PPBZ na binubuo ng mga maliliit na blokeng tektoniko o “microblocks” na napapaligiran ng faults at mga lubugan o trenches). Ang subduction o paglubog ng Philippine Sea Plate patungo sa direksyon ng WNW o Kanluran-Hilagang Kanluran, ang siyang nagdulot ng paggalaw sa Philippine Trench. Larawan 1. Mga lindol ...