Kapatagan at mga Kabundukan sa Planetang Venus
Ipinapakita sa mga larawang sa ibaba ang itsura ng mga kabundukan at kapatagan sa planetang Venus. Ang mga kapatagan ay tinatawag na “Planitia”: ang ito ay madilim sa paningin, dahil sanhi ng paglayo ng radar backscatter mula sa sensor ng Magellan spacecraft. Ito ay dulot ng reflection dahil sa pagiging patag na parang salamin ang ibabaw ng lupa. Makikita sa larawan ang tinatawag na “wrinkle ridges”, mataas na parte ng lupa na may kurbada, posibleng dahilan ng kompresyon dahil sa bangaan o pagkaipit ng lupa sa kaliwa patungo sa kanan, na nagdudulot ng pagkakulubot ng ibabaw nito. Ang mga itaas ay mayroong malakas na repleksyon sa radar dahil sa magaspang na ibabaw nito. Makikita rin na ang kapatagan ay may parang alun-alon na ibabaw, dahil sa pagkapatong ng maraming lava flows na nangyayari kada panahon. Mapupuna rin na ang ibabaw ng kapatagan ay may kakulangan sa dami ng impact craters, nangangahulugan na ang ibabaw na ito ay bago lamang, posibleng ilang milyong taon