Bulkang Taal: Aktibong Bulkan na Dulot ng Malawakang Aksyong Pantektoniko
Ang bukana ng bulkang Taal sa kasalukuyan ay nasa isang isla sa gitna ng 25x30 kilometrong lawa ng Taal, na nakapaloob din sa rehiyon pantektoniko na tinatawag na “Macolod Corridor”. Sa isla na ito ay makikita ang pinakamalaking gitnang kaldera, at iba’t-ibang sentro ng bulkanismo na siyang pinagmulan (at produkto) ng mga pagsabog nito noong mga nakaraang panahon. Ang Macolod Corridor ay isang mala-tatsulok na rehiyong pantektoniko na matatagpuan sa SW Luzon. Ito ay nakakaranas ng pagbatak ng “lithosphere” (na kombinasyon ng crust at itaas na mantle) dahil sa epekto ng subduction sa magkabilang gilid. Ito ay ang paglubog ng Sundaland Plate sa kanluran sa Manila Trench at paglubog naman ng Philippine Sea Plate sa Silangan sa hilagang banda ng Philippine Trench. Sa Silangan din makikita ang bumabagtas na pa-NW-SE na Philippine Fault System. Pantektonikong Kalagayan Ang pagbatak na ito ay nagdudulot ng “pag-ikot” ang rehiyon ng Macolod Corridor at gan