Pitong Araw sa Isang Linggo, Saan ba Talaga ito Nagmula?
Isa sa pinakamalaking katanungan sa lahat ay ang konsepto ng pitong araw sa isang linggo. Saan ba talaga ito nagmula? Totoo bang ang pagkalikha ng daigdig ay sa loob lamang ng pitong araw? Bagamat hindi sakop ng blog na ito ang usaping pangrelihyon, aking tatalakayin ang isa sa mga makabuluhang paliwanag mula sa agham ng astronomiya. Ang agham ng astronomiya ay siyang pangunahing paraan upang itala ang mga haba ng araw, ng buwan, ng taon, at mga panahon. Dahil sa astronomiya, ang sangkatauhan ay natutong itala ng tama ang panahon ng pagtatanim, pag-ani, panahon ng taglamig, tag-init, tagsibol, taglagas, ganoon na rin ang tag-ulan. Ang pitong araw ay nagmula sa pag-ikot ni Luna (pangalan ng Buwan na ating gagamitin para hindi nakakalito sa buwan na ibig sabihin ay panahon!) sa Mundo. Ang isang sidereal na buwan (base sa pagharap ni Luna sa malalayong bituin) ay mayroong 27.3 na araw ang haba, samantalang ang synodic na buwan (base sa phase ni Luna)ay mayroong 29.5 na araw ang