Abril sa Diliman: Bakit Sobrang Init Palagi?
Bakit ba kapag buwan ng Abril ay sobrang init ng panahon lagi sa Diliman----at ganun din sa ibang bahagi ng Maynila? Bagama't ang pinaka kilalang dahilan ay ang daloy ng hangin sa rehiyon o klima, ang isa pang dahilan ay astronomikal: Ito ay tinatawag na “insolation” o insolasyon, isang prosesong pang-init na pisikal o t h ermal na kung saan ang init ng araw na direktang nakatutok sa Maynila (perpendikular) sa panahon ng Abril---na siyang nagdudulot ng madaling pag-init ng lupa. Ang insolasyon ay lubhang kakaiba sa konsepto ng "Insulation". Larawan 1A: Ang direksyon ng sikat ng araw sa rehiyong tropikal kapag Hunyo (Summer Solstice) ay bahagyang tagilid. Simulasyon mula sa Seasons Explorer ng University of Nebraska-Lincoln. Larawan 1B: Ang direksyon naman ng sikat ng araw sa rehiyong tropikal kapag Abril ay lubhang direkta at perpendikular sa lupa. Nagdudulot ito ng matinding pag-init ng lupa. Larawan 1C: Kung ihahambing sa dalawa,