Perlas na bilog, saan mangyayari ang malakas na lindol? Sa kasalukuyang panahon, maari nang malaman ang lokasyon ng pagmumulan ng posibleng lindol, at ito'y sa pamamagitan ng GPS at block models. Ang mga GPS ay nagbibigay ng direksyon at bilis ng galaw ng mga blokeng tektoniko, ganun na rin ang sitwasyon ng pagkabara ng mga fault at lapatan ng mga subduction zones. Habang gumagalaw ang mga blokeng tektoniko, ang mga lugar na nakabara ay siyang pumipigil sa paggalaw ng mga ito, at doon naiiipon ang elastikong lakas (o potensyal ng depormasyon o tinatawag na naipong elastikong strain----lakas na tulad ng nababanat na goma ng tirador, halimbawa, ay maaring bumigay at umigkas. Ang pag-igkas na ito ay ang pagmumulan ng lindol). Sa paggamit ng block models, maaring gamitan ng “inversion”, isang matematikal na paraan para malaman ang kinalalagyan ng mga lugar sa mga fault o sa mga subduction zones na nakabara[1]. Kapag ang lokasyon ng mga ito'y nalaman, dapat na ibawas
Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2017