Lindol sa (Marikina) West Valley Fault, Totoo ba o Guni-guni?
Ito ay kasagutan sa maraming tanong na dumarating sa akin bilang isang seismologo at heopisiko. Noong ika 12 ng Enero, 2010, niyanig ng isang malakas na lindol, magnitude 7, ang bansang Haiti. Ito ay nagresulta sa pagkamatay ng hanggang sa 316,000 nasawi (ayon sa pamahalaan ng Haiti), mahigit sa isang milyong tao ang naapektuhan, at mga libu-libong gusali na gumuho at nasira ng nasabing lindol (USGS). May mga bagay na pagkakatulad at pagkakaiba ang sitwasyon sa Haiti noong 2010 at ang sitwasyon sa (Marikina) West Valley Fault (o WVF). Magkatulad sila dahil ang Haiti ay naapektuhan ng paggalaw ng Enriquillo-Plantain Fault, isang “left-lateral strike-slip fault”, na kung saan ang dalawang platong tektoniko ay patagilid na pakaliwang nagsasagian sa bilis na 7 mm kada taon). Halos 250 taon din na nagkarga ng enerhiyang elastiko ang Enriquillo Fault hanggang sa bumigay ito (matapos na hindi makayanan ng mga bato ang naipong lakas mula sa pag-usad ng mga platong tektonik