Bakit Peligroso ang mga Subduction Zones?
Tulad ng mga nabanggit sa mga nakaraang isinulat na blog, ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga “lubugan” o “Subduction Zones”. Ang nasa silangan ay ang Philippine Trench at East Luzon Trough, at ang nasa kanluran ay ang Manila Trench, Negros Trench, at Cotabato Trench. Ang mga ito ay lugar o parte ng “crust” o balat ng mundo na kung saan ang isang mas mabigat na balat ay lumulubog sa ilalim ng isa pa. Ang resulta: malalalim na hukay na hugis pahaba at pakurba na umaabot sa ilang kilometro ang lalim, sa karagatan. Bakit mahalaga na malaman natin ang mga bagay patungkol sa mga ito? Sapagkat ang pinakakamalakas na mga lindol ay nagmumula sa mga lugar na ito, halimbawa na nga ay ang pinakamalakas na lindol na nakatala ---ang Magnitude (Mw) 9.5 na lindol sa Valdivia, Chile noong 1960, ganun na rin ang mga mapinsalang lindol na nagbunga ng tsunami sa Sumatra noong 2004 at ang tsunami sa bansang Hapon nito lamang 2011. Ngunit papaano sa mga ito nagmumula ang mga l