Mga Craters sa Buwan: Ano ang Kahulugan?
Ang bilang ng mga crater (sa loob ng lawak ng lupain) ay ginagamit na paraan upang malaman ang edad (heolohikal) ng mga batuhan. Ang maraming bilang ng mga crater ay nagsasabi na ang batuhan ay may kalaunan na, at ang madalang na bilang ng mga ito ay nagsasabi na ang ibabaw ng lupa ay nasa mas murang edad pa. Ang kaunting bilang ng crater ay dahil sa ito’y natabunan na muli ng mga prosesong pambulkan, o kaya’y dahil sa erosyon o pagkatabon ng mga batuhan mula sa ibang bahagi ng lupain. Ginagamit ang bilang ng crater bilang pang-estima ng edad ng mga batuhan sa ibang planeta, kapag hindi maaring gamitin ang mga paraan ng panukat na ginagamit sa daigdig---tulad ng paggamit ng mga isotope, at mga pagkakasunod-sunod na stratigrapiya ng mga batuhan. Ang pagbibilang ng mga crater na ito ay ang ginagamit sa pagtataya ng mga edad ng ibabaw ng mga planeta, at ng mga buwan ng Jupiter at Saturn. Ang ating sariling buwan, halimbawa, ay mayroong dalawang bahagi: ang bahag