Impact Craters
Ano ang mangyayari kapag ang isang meteor (bulalakaw) ay tumama sa lupa? Ang mga bulalakaw ay maaring galing sa mga asteroid --- na gawa sa mga bato, metal (Nickel-Iron), at iba pang mga elemento na nagmula pa sa mga sangkap sa pagbuo ng Solar System. Mayroon ding iba’t-ibang laki ng mga sangkap na ito, mula sa kasin liit ng mga alikabok (dust particles), hanggang sa laki na halos pamplanetarya, tulad ng mga asteroid na Ceres (diametro at 950 km) at Vesta (525 km ang diametro). Bagamat ang karamihan sa mga asteroid ay nasa pagitan ng orbit ng Mars at Jupiter, mayroong ilan sa mga ito ay tumatawid sa orbit ng Mundo (ex. Near-Earth Objects o NEAs), at ang ilan dito ay nahihigop ng grabitasyon ng mundo at bumabagsak sa lupa bilang meteorite o bulalakaw. Larawan. Mga orbit ng mga asteroid. Makikita na ang marami ay tumatawid sa orbit ng daigdig. Mula sa Solar System Dynamics Group, NASA JPL. Ang maliliit na mga bulalakaw ay kadalasang nasusunog at sumasabog sa itaas ng