Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2013

TUNGKOL SA LINDOL SA BOHOL: ANO ANG DAHILAN?

Imahe
Ang Magnitude 7.2 na lindol na kapangyayari sa Bohol kahapon ay dulot ng paggalaw ng mga microplates (maliliit na platong pantektoniko) sa gitnang Kabisayaan. Ito ay dahil sa paggalaw ng mga microplates na ito ay maaring mula sa mga thrust faults na dulot naman ng kabuuang kompresyon ng buong rehiyon. Ang kompresyon na ito ay mula ng paggalaw pakanluran ng Philippine Sea Plate (at pagpapailalim nito sa Philippine Trench) at pasilangang Sundaland Plate na pumapailalim sa Negros Trench (at Manila Trench). Ang Philippine Fault naman ay matatagpuan sa Silangang bahagi nito, subalit ito'y may kakaibang paggalaw at walang direktang relasyon sa nagngyaring lindol. Ang lindol na ito ay may relasyon sa nakaraang lindol noong Pebrero 2012, na may lakas o Magnitude na 6.8. Ang dalawang lindol na ito ay may halos pareho ng lalim (halos 20 km) at may paggalaw na pa-kompresyon sa direksyong WNW-ESE, na nagsasabi na ang mga ito ay dulot ng mababaw na mga thrust faults, at maaring ma